Pumalo na sa 2,859 pamilya o katumbas ng 11,264 katao ang naapektuhan ng bagyong Betty.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaninang alas-8 ng umaga, naitala ang mga apektadong indibidwal sa 55 barangay sa Cagayan, Central Luzon, Western Visayas, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Kabuuuang 877 pamilya o katumbas ng 3,483 katao naman ang nananatili sa 21 evacuation centers habang 112 pamilya o 381 indibidwal ang pansamantalang nanirahan sa ibang lugar.
Kanselado naman ang higit 100 domestic flights at 17 international flights, at 47 pantalan ang tumigil ng kanilang operasyon sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas bunsod ng masamang panahon.
Samantala, umabot na sa mahigit P1.8-M halaga ng tulong naipamahagi ng pamahalaan sa mga biktima ng bagyong Betty. —sa panulat ni Airiam Sancho