Sa gitna ng patuloy na pagsusuri sa Basic Education Program ng bansa, iginiit ng isang advocacy group na hindi patas na sabihing nabigo ang K to 12 program.
Ayon kay Philippine Business for Education Executive Dir. Justine Raagas, kailangan munang tingnan at tapusin ang Comprehensive Assessment sa sistema nito.
Aniya, madali lamang sabihin na nabigo ang K to 12 system dahil sa malungkot na resulta ng International Assessment kaugnay sa employability ng K12 graduates.
Subalit, dapat aniyang isipin na ang programa ay ipinatupad noong 2012 at ang mga mag-aaral sa ilalim ng sistema na ito ay nakapagtapos lamang noong 2022.
Sa kabila ng mga pagsubok sa pagpapatupad ng naturang programa, binigyang-diin ni Raagas ang kahalagahan ng pagtukoy ng mga alalahanin hinggil dito. —sa panulat ni Airiam Sancho