Makaraang suspindihin si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr., inirekomenda ng House Committee on Ethics and Privileges ang mas mabigat na parusa laban sa kontrobersyal na mambabatas.
Si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso.
Hindi naman tinukoy ni COOP-NATCO partylist Rep. Felimon Espares, Chairman ng Komite, ang penalties na balak nilang ipataw kay Teves at kung ano ang naging basehan ng kanilang desisyon.
Sa bahagi naman ni ako Bicol Partylist Rep. Raul Bongalon, Vice Chairperson ng Ethics Panel, sinabi nito na posibleng expulsion o panibagong parusa na mapagpapasyahan ng komite ang ipapataw kay Teves.
Hindi na maaring irekomenda ng panel na palawigin ang suspensyon kay Teves dahil maximum na ang 60 days na pinapayagan sa 1987 Constitution. —sa panulat ni Lea Soriano