Hindi sa National Grid Corporation of the Philippines dapat isisi ang sinasabing paniningil sa consumers ng mga hindi pa natatapos na proyekto ng transmission lines.
Ito ang pahayag ni Sen. Chiz Escudero bilang reaksyon sa panawagang ibalik ng NGCP ang mga kinolekta nito para sa mga proyektong hanggang ngayon ay nakabinbin pa.
Sinabi ni Escudero na nasa kamay ng Energy Regulatory Commission ang anumang aksyong dapat ipataw sa NGCP.
Ipinaalala ni Escudero na ang NGCP ay pribadong kumpanya at ang target nito ay kumita.
Lahat anya ng may kaugnayan sa paniningil sa kuryente ay dumaraan at inaaprubahan ng ERC.
Kaya kung iligal anya ang kinolekta ng NGCP, ang posibleng may kasalanan ay ang ERC at sila rin ang dapat na umaksyon
Mali anya na ang NGCP ang kalampagin dahil hindi masisisi kung maghangad ito ng profit dahil nomal ito sa negosyo
Sa kabilang panig, ang ERC anya bilang regulatory agency ang may tungkulin na pigilan at itama ang mga pag abuso sa merkado lalo na sa power sector. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News