dzme1530.ph

DSWD, nanindigang hindi biglaan ang pagpapasara sa Gentle Hands Orphanage sa QC

Nanindigan ang Dep’t of Social Welfare and Development na hindi biglaan ang ginawa nilang pagpapasara sa Gentle Hands Inc. Orphanage sa Quezon City, na nakitaan ng kabi-kabilang mga paglabag.

Ayon kay DSWD sec. Rex Gatchalian, tatlong beses nilang binigyan ng warning ang Gentle Hands bago ang nangyaring pagsisilbi ng Cease-and-Desist Order.

Sinabi ni Gatchalian na noong Agosto 2022 ay pinadalhan na nila ng liham ang bahay-ampunan kaugnay ng kanilang violations.

Pinadalhan muli ito ng liham noong Pebrero 2023 at Marso 2023, ngunit wala umano itong ginawa upang itama ang kanilang mga paglabag.

Kaugnay dito, iginiit ng Kalihim na hindi nila isinantabi ang due process, at personal niya umanong nakita ang panganib sa orphanage kaya’t ginamit niya ang kapangyarihan at responsibilidad ng gobyerno na protektahan ang mga taong hindi kayang ipagtanggol ang kanilang sarili. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author