Nanawagan ang Fraternal Order of Eagles ng pagkakaisa sa kabila ng mga hamong dumarating sa kanilang hanay.
Ito ay sa harap ng ilang mga usapin tulad ng hindi pagkakaunawaan sa kanilang organisasyon na nagresulta sa pagkakabuo ng panibagong paksyon.
Sa isinagawang Chartering and Induction ng Regional Officers ng Fraternal Order of Eagles NCR 84th Region ng bagong talagang Governor na si Jenzen “Zentur” Turica, umaapela siya sa lahat ng mga “Kuya” na maging mahinahon sa mga panahong ito.
Una rito, kinikilala ng Fraternal Order of Eagles si Nelson Sarapuddin bilang elected National President ng Organisasyon.
Sa kabila nito, kinikilala ni ZenTur ang lahat ng organisasyon na nakapaloob at nakapailalaim sa kanilang organisasyon dahil nasa iisa lamang ang hangarin ng mga ito, ang makatulong sa taong bayan, at mga nangangailangan.
Sa huli makikita ang pagyakap ng bawat isa at makikita rin ang pagkakasunduan ng magkabilang kampo sa pamamagitan ng mga effort ng mga kuya.
Umaasa naman si ZenTur, na magbubunga rin ang kanilang pagsisikap na mapagkasundo ang bawat paksyon at mapagbuklod muli ang grupo bilang iisang kapatiran.
Kabilang sa mga damalo sa isnagawang Chartering and Induction ng Regional Officers ng Fraternal Order of Eagles NCR 84th Region sina Fraternal Order of Eagles National President Nelson Sarapuddin, Senator Cynthia Villar, at marami pang ibang opisyal ng pamahalaan. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News