Umabot na sa 90% ang utilization rate ng pondo ng mga ahensya ng pamahalaan sa bansa na naitala ng Dep’t of Budget and Management.
Ito ay batay sa Notices of Cash Allocations sa National Gov’t Agencies, Budgetary support sa Gov’t-Owned-or-Controlled Corp., at local gov’t units, mula Enero hanggang Abril ngayong Taon.
Ang 90% utilization rate ay katumbas ng P1.175-T.
Kaugnay dito, nanawagan ang DBM sa mga ahensya na bilisan pa ang disbursements at paggastos ng mga pondo, at iwasan ang underspending.
Iginiit ni Budget sec. Amenah Pangandaman na ang National Budget ang bumubuhay sa lahat ng programa ng gobyerno, at sa mabilis na paggamit nito ay mas mabilis ding maipatutupad ang mga proyekto.
Hanggang noong buwan ng Abril, nakapaglabas na ang DBM ng P4.518-T o 85.8% ng kabuuang P5.268-T national budget. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News