dzme1530.ph

COVID-19 positivity rate sa Metro Manila nasa 20% na lang

Bumaba ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila ayon sa OCTA Research Group

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mula 25.7% noong May 20 bumaba sa 22% ang positivity rate ng NCR nitong May 27.

Bukod dito, naitala din ang mabagal na hawaan ng COVID-19 virus sa Batangas, Bulacan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, Laguna, Rizal at Zambales.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa Covid-19 mula sa kabuuang bilang ng mga isinailalim sa pagsusuri.

Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa mga rehiyong may pinaka-maraming COVID infections sa nakalipas na dalawang linggo; matapos makapagtala ng 8,377 na kaso; sinundan ng CALABARZON, 5,425 at Central Luzon, na may 2,283.

Kahapon, May 29, nakapagtala ang Dep’t of Health ng 1,385 new COVID-19 cases. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author