dzme1530.ph

Lebel ng tubig sa 3 dam sa Luzon, bumaba sa kabila ng maulang panahon

Patuloy sa pagbaba ang antas ng tubig sa malalaking dam sa Luzon sa kabila ng maulang panahon.

Sa datos na inilabas ng PAGASA kaninang umaga, bumaba sa 190.35 meters ang water level sa Angat Dam, mas mababa ng 0.19 meters mula sa 190.54 meters na naiulat nitong linggo.

Nabawasan din ang water level sa Ipo Dam na nasa 99.13 meters sa ngayon mula sa 99.25 meters kahapon, na mas mababa sa maintaing level nitong 101 meters.

Gayundin ang lebel ng tubig sa Magat Dam na nananatili na lamang sa 174.36 meters matapos mabawasan ng 0.43 meters.

Samantala, tumaas naman tubig sa La Mesa Dam, Ambuklao, Binga, San Roque at Pantabangan.

 

About The Author