dzme1530.ph

National Land Use Bill, bibigyan ng “urgent attention” ng Pangulo

Tututukang maigi ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang proposed National Land Use Act na lilikha ng outline ng agricultural lands at protected areas sa bansa.

Binigyang diin ng Pangulo na kinakailangan na ang National Land Use Policy, at sa pagkakaroon umano ng physical framework plan ay pagsasama-samahin ang lahat ng mandato at polisiya sa land use.

Magiging saklaw nito ang watersheds, mga lupang sakahan, protected disaster-prone areas, at maging sa Cultural Heritage sites at Ancestral domains.

Ibinahagi pa ni Marcos na pamilyar siya sa panukalang batas dahil napag-aralan niya ito noong siya ay naging Senador at Chairman ng Senate Urban Planning, Housing and Resettlement Committee.

Matatandaang ang National Land Use Bill na isang priority legislative agenda ng administrasyon ay lumusot sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara noong nakaraang linggo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author