dzme1530.ph

Mga kandidato sa Barangay at SK Elections, maaring boluntaryong magbigay ng drug test results —COMELEC

Bagaman hindi maaring obligahin ng COMELEC ang mga kandidato ng 2023 barangay and Sangguniang Kabataan elections na sumailalim sa drug tests, maari naman silang boluntaryong magbigay ng kanilang test results sa poll body.

Sa public briefing, sinabi ni COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco na wala namang makapipigil sa mga kandidato kung sila mismo ang magpapakita o magbibigay ng kanilang negative drug testing certificate.

Ginawa ni Laudiangco ang pahayag makaraang hamunin ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang mga kandidato sa halalang pambarangay na sumailalim sa drug test.

Ipinaliwanag ng COMELEC Spokesman na una nang ipinag-utos ng Supreme Court na hindi na maaring magdagdag ang poll body ng requirements maliban sa mga nakasaad sa Konstitusyon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author