dzme1530.ph

2 bagong Navy patrol gunboats mula Israel, gagamitin sa depensa laban sa external forces at disaster response

Gagamitin ang dalawang bagong kinomisyong patrol gunboats ng Philippine Navy, para sa depensa laban sa mga bantang manggagaling sa ibang bansa, at sa pag-responde sa mga kalamidad.

Sa ambush interview sa anibersaryo ng Philippine Navy sa Maynila, inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na gagamitin sa pagpa-patrolya ang dalawang bagong sea vessels hindi lamang sa West Philippine Sea.

Bukod dito, gagamitin din ito sa Civil Defense o pagtulong sa mga maaapektuhan ng kalamidad, tulad ng nagbabadyang pananalasa ng Super Typhoon “Mawar”.

Sinabi ng Pangulo na magkakaroon ng malaking tungkulin ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa search and rescue at paghahatid ng relief goods.

Matatandaang sinaksihan mismo ng Pangulo ang Commissioning ng dalawang bagong patrol gunboats na nanggaling ng Israel. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author