dzme1530.ph

Halos 70% ng mga Pinoy, nahihirapang makahanap ng trabaho —SWS

Halos 70% ng mga Pilipino ang nahihirapang makahanap ng trabaho sa panahon ngayon.

Batay sa resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong March 26 hanggang 29 sa 1,200 adult respondents, 11% ang nagsabing madali lamang ang paghahanap ng trabaho, 16% ang sumagot ng maaaring madali o mahirap, habang 4% ang nagsabi na hindi nila alam.

50% naman ang naniniwala na magkakaroon ng mas maraming trabaho sa susunod na 12 buwan, 26% naman ang sumagot ng walang pagbabago, habang 14% ang nagsabi na hindi nila alam.

Samantala, inihayag ng SWS na positibo ang mga Pilipino sa paghahanap ng trabaho mula noong 2009, maliban noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

About The Author