dzme1530.ph

2 bagong patrol gunboats mula Israel, kinomisyon kasabay ng ika-125 Anibersaryo ng PH Navy

Sinaksihan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Commissioning ng dalawang bagong patrol gun boats ng Philippine Navy.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang sa ika-125 Anibersaryo ng Philippine Navy sa kanilang headquarters sa Roxas Blvd., Maynila.

Kinomisyon ang dalawang Fast Attack Interdiction Craft-Missile (FAIC-M) platforms na gawa sa Israel, na tinatawag na BRP Gener Tinangag at BRP Domingo Deluana.

Ipinangalan ang mga ito sa dalawang namayapang Philippine Marine Corps Heroes na kapwa nasawi sa magkahiwalay na engkwentro sa Mindanao, at kapwa sila binigyan ng Medal of Valor.

Ang bagong patrol gunboats ay may quick intercept ability, remote stabilized weapons, at short-range missiles, at ide-deploy ang mga ito sa vital choke points, major sea line of communication, at littoral domains ng karagatan ng Pilipinas.

Samantala, pinangunahan din ni Marcos na tumatayong Commander-in-Chief ang paggawad ng iba’t ibang parangal sa mga natatanging Navy personnel.

Bukod sa Pangulo ay dumalo rin sa event sina Defense Officer-In-Charge Senior Usec. Carlito Galvez Jr., AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr., National Security Adviser Eduardo Año, Executive Sec. Lucas Bersamin, at iba pang opisyal. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author