dzme1530.ph

Pilipinas, nakahanda na sa pagtama ng Super Typhoon “Mawar”

Nakahanda na ang bansa sa inaasahang pagtama ng Super Typhoon “Mawar”.

Nakipagpulong na si Pang. Ferdinand Marcos Jr. kay Defense Officer-in-Charge Senior Usec. Carlito Galvez Jr. upang siguruhing nakahanda na ang pondo at naka-preposition na ang food packs.

Tiniyak din nito na naka-antabay na ang response teams, at handa na rin ang mga lokal na pamahalaan na posibleng tamaan ng bagyo.

Patuloy ding tinututukan ang galaw ng Super Typhoon, at pinaghahandaan ang magiging epekto nito hindi lamang sa hilagang bahagi ng bansa kundi sa lahat ng lugar na posibleng maapektuhan.

Mamayang gabi o bukas ng umaga ay inaasahang papasok na ng Philippine Area of Responsibility ang Super Typhoon Mawar, at tatawagin ito sa local name na bagyong “Betty”. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author