dzme1530.ph

Restoration sa nasunog na Manila Central Post Office, posibleng tumagal ng hanggang 5-taon

Posibleng tumagal ng hanggang 5-taon ang restoration at tinatayang aabot sa mahigit P1-B ang magagastos sa muling pagtatayo ng nasunog na Manila Central Post Office.

Ayon kay NCCA Exec. Dir. Oscar Casaysay, bubuo ang National Commission for Culture and the Arts ng Inter-Agency Task Force para sa restoration ng nasunog na MCPO.

Ito ani Casaysay ay tinalakay ng Board of Commissioners ng ahensya noong Miyerkules at pamumunuan ni NCCA Chairperson at National Archive Director Victorino Mapa Manalo, kasama ang National Historical Commission of the Philippines, National Museum, at Postmaster General ng Philippine Postal Corporation.

Hatinggabi ng Linggo, May 21 nang tupukin ng apoy ang kauna-unahang postal office sa Maynila at tumagal ng 30-oras bago tuluyang naapula.

Ayon kay Casaysay na hinihintay pa ng NCCA ang Comprehensive Assessment ng Bureau of Fire Protection para sa structural integrity. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author