Ang sigarilyas o winged beans ang may pinakamataas na calcium content sa lahat ng legumes, at malaki ang pakinabang nito sa human skeletal system.
Ang calcium na makukuha sa sigarilyas ay nakatutulong sa production at maintenance ng mga buto at nagbibigay ng lakas laban sa mga sakit at panghihina.
Ang winged beans ay good source din ng natural minerals at vitamins, lalo na ang Vitamins A at C, Iron at Enzymes.
Bilang isang legume, ang sigarilyas ay mayroong mataas na protein content. Sa madaling salita, isa itong good source ng protina para sa mga tao, pati na sa mga hayop.