dzme1530.ph

NegOr Rep. Arnie Teves, hindi pa rin dadalo ng pisikal sa hearing ng House Ethics Committee

Nanindigan si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na hindi siya pisikal na dadalo sa hearing ng House Ethics Committee hinggil sa patuloy niyang pag-absent sa kabila ng posibleng pagpapatalsik sa kanya sa Kamara.

Sa Virtual Press Briefing, iginiit ni Teves na may banta sa kanyang buhay, kasabay ng pagsasabing dapat siyang payagan na dumalo sa pamamagitan ng video conferencing, gaya ng ibang miyembro ng Kongreso.

Nagtataka si Teves kung bakit ayaw siyang payagan na dumalo sa meeting via zoom samantalang ginagawa naman ito ng ibang kongresista.

Idinagdag pa ng mambabatas na itinuturong utak sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, na marami pang mas importanteng bagay na dapat atupagin ang Kamara kaysa sa kanyang pagliban ng pisikal.

Tumanggi pa ring umuwi ng bansa si Teves makaraang mag-expire ang kanyang 60-day suspension without pay na ipinataw ng House Ethics Committee. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author