Pagkatapos tumulong sa modernization program ng Pilipinas, nais ng Republic of Korea Navy (ROKN) na pagtibayin pa ang strategic relationship sa pagitan ng dalawang bansa.
Ito ang ipinahiwatig ni Admiral Lee Jong-Ho, chief ng Naval Operations of ROKN, nang mag courtesy call kay Vice Admiral Toribio Adaci Jr., flag officer in command, sa Philippine Navy Headquarters.
Ayon kay Capt. Benjo Negranza, Naval Public Affairs Office director, tinalakay ng dalawang lider ang patuloy na partnership ng Pilipinas at South Korea.
Sa meeting, pinuri ni Lee ang Philippine Navy sa matagumpay nitong mga aktibidad at nagpahiwatig ng future engagements, gaya ng naval drills, upang tumibay pa ang ugnayan ng dalawang bansa.
Sa bahagi naman ni Adaci, pinasalamatan nito ang counterpart sa patuloy na suporta sa modernization program ng Philippine Navy, partikular sa pag-manufacture ng ilang barko na ginagamit ngayon sa pagpa-patrol sa exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ang BRP Jose Rizal (FF-150) at BRP Antonio Luna (FF-151) ay kapwa gawa ng Hyundai Heavy Industries ng South Korea. —sa panulat ni Lea Soriano