dzme1530.ph

Pilipinas at Sweden, palalawakin pa ang ugnayan sa depensa at seguridad

Nagkasundo ang matataas na opisyal mula sa Pilipinas at Sweden na pagtibayin pa ang defense relations sa pagitan ng dalawang bansa.

Kasunod ito ng pagbisita ni Swedish Minister for International Development Cooperation and Foreign Trade Johan Forssell sa Department of National Defense.

Ayon kay Defense spokesperson Arsenio Andolong, pinag-usapan nina DND acting Undersecretary Angelito de Leon at ni Forssell ang lumalawak na engagement ng dalawang bansa, sakop ang iba’t ibang larangan mula sa ekonomiya hanggang sa depensa.

Aniya, binigyang diin ng Swedish official ang intensyon ng kanyang bansa na mag-develop ng sustainable at long-term partnership sa Pilipinas.

Idinagdag ni Andolong na plano nina De Leon at Forssell na palalimin pa ang defense relations sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) para sa defense materiel acquisition.

About The Author