Ipinagpaliban ng Department of Agriculture ang planong pagtatakda ng Suggested Retail Price para sa pula at puting sibuyas sa merkado.
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Rex Estoperez na ipinag-utos ni Senior Undersecretary Domingo panganiban na i-hold muna ang pagpapatupad ng srp dahil hindi ito kumbinsido sa cost structure at nais pa niya itong mapag-aralan.
Una nang inihayag ni Estoperez noong nakaraang linggo na plano ng ahensya na magtakda ng SRP sa sibuyas na ipatutupad sana noong Lunes.
Sa pinakahuling price monitoring ng DA, ang lokal na puting sibuyas ay nasa P150 hanggang P200 kada kilo habang ang pulang sibuyas ay mabibili ng P100 hanggang P200 kada kilo sa ilang mga pamilihan sa Metro Manila.