dzme1530.ph

China gumaya sa Pilipinas; 3 navigation beacons, ipinuwesto sa paligid Spratly Islands

Nag-deploy ang China ng tatlong navigation beacons sa paligid ng pinag-aagawang Spratly Islands sa South China Sea, kasunod ng paglalagay ng kaparehong marker na inilagay ng Pilipinas, upang kapwa igiit ang claims sa lugar.

Ayon sa Transport Ministry ng China, inilagay ng South China Sea Maritime Security Center ang tatlong beacons malapit sa Irving Reef o Balagtas Reef, Whitsun Reef o Julian Felipe Reef, at Gaven Reef o Burgos Reef sa Spratlys na binubuo ng maraming islets, Reef Banks at shoals.

Ang paglalagay ng beacons ay upang matiyak umano ang ligtas na paglalayag at operasyon ng mga barko.

Nitong buwan ng Mayo ay naglagay din ang Pilipinas ng navigational bouys o boya sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa, kabilang sa Balagtas Reef at Julian Felipe Reef, at kung saan daan-daang chinese ships ang tumambay noong 2021 at ngayong 2022.

About The Author