dzme1530.ph

Benepisyo sa katawan ng pagkain ng duhat, alamin!

Ang Duhat o Java Plum ay isang uri ng prutas na maraming health benefits. Mayaman ito sa Vitamin C, iron, calcium, potassium, at antioxidants.

Nakatutulong ito sa pagkontrol ng blood sugar level. Ang duhat ay mayaman sa phytochemicals na may Anti-diabetic properties.

Ang mga ito ay nagpapababa ng glucose absorption at insulin resistance sa katawan.

Nakapagpapabuti rin ito ng digestion at bowel movement.

Ang duhat ay mayaman sa dietary fiber na nakatutulong sa paglilinis ng bituka at pagtanggal ng toxins sa katawan.

Nagpapalakas din ito ng Immune system. Ang duhat ay mayaman sa Vitamin C na isang antioxidant na lumalaban sa mga free radicals na nagdudulot ng oxidative stress sa katawan.

Ang duhat ay nakapagpapataas din ng white blood cells na siyang depensa ng katawan laban sa mga impeksyon at sakit. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author