Inalerto na ng Office of Civil Defense ang mga lokal na pamahalaan na nasa Eastern Seaboards ng bansa, na posibleng maapektuhan ng Tropical Cyclone “Mawar”.
Ayon sa Presidential Communications Office, ito ay bahagi ng mga paghahanda ng Administrasyong Marcos sa nagbabadyang kalamidad.
Naka-antabay na rin ang emergency responders at rescue teams, habang naka-preposition na ang relief goods.
Bukod dito, magsasagawa rin ang OCD ng pre-disaster risk assessment kasama ang science agencies upang matukoy ang mga LGU na nasa panganib, at upang malaman ang mga ire-rekomendang alert level at response protocols.
Nagpapatuloy naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pag-monitor sa sitwasyon kasama ang iba pang kaukulang ahensya. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News