dzme1530.ph

National El Niño Team, bumubuo na ng water conservation programs upang ibsan ang epekto ng nagbabadyang tagtuyot

Bumubuo na ng water conservation programs ang National El Niño Team upang maibsan ang epekto ng nagbabadyang el niño o matinding tagtuyot sa bansa.

Ayon sa Presidential Communications Office, ang conservation programs ay ipatutupad sa mga tanggapan ng National Gov’t.

Pangungunahan ng Dep’t of Environment and Natural Resources ang pagbuo sa programa, at inatasan na rin itong tukuyin ang “geographically challenged” areas na mangangailangan ng karagdagang suplay ng potable water o malinis na inuming tubig.

Magtutulungan din ang DENR at Dep’t of Agriculture sa pagtugon sa inaasahang pagbabawas ng water allocation para sa National Irrigation Administration, bunga ng posibleng pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

Samantala, isinama na rin ang Dep’t of Science and Technology sa Technical Working Group ng El Niño Team. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author