Nanawagan si Sen. JV Ejercito na rebisahin na ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) dahil sa pagkabigo nitong maibaba ang halaga ng kuryente sa bansa.
Sa pagsapribado ng mga kumpanya ng enerhiya, sinabi ng senador na nabigo ang batas na ito na isulong ang kompetisyon na inaasahan sanang magresulta sa pagbaba ng presyo na kuryente para sa lahat.
Isinabatas ang EPIRA noong 2011 sa layuning muling isaayos ang sektor ng enerhiya, i-deregulate at isapribado ang power industry.
Subalit ang malawakang power outages sa iba’t ibang bahagi ng bansa at ang mataas na presyo ng kuryente ay nag-udyok sa mga mambabatas na pag-aralan ang posibleng pag-amiyenda ng batas.
Maliban sa pag-rebyu ng EPIRA, sinabi ng senador na dapat suriin ng Kongreso at ng kaukulang ahensiya ng gobyerno ang performance ng mga kumpanya ng enerhiya na nag-o-operate sa bansa.
Kabilang dito ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na naging kontrobersyal dahil 40 percent share ng State Grid Corporation of China.
Napapanahon na anyang suriin ang performance ng NGCP sa gitna na patuloy na sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News