Muling lumakas at bumalik sa kategoryang Super Typhoon si Mawar na tatawaging Betty kapag pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA, alas-3 kaninang madaling araw, namataan si Mawar sa layong 2,150 kilometro sa silangan ng timog-silangang Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 185 k/h malapit sa gitna at pagbugsong may lakas na 230 k/h.
Si Mawar ay kumikilos patungo sa direksiyon kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 15 k/h.
Nauna rito, hinagupit ni Mawar ang bansang Guam kahapon…
Ayon sa U.S. National Weather Station, category 4 Typhoon ang humagupit sa naturang teritoryo ng America na may lakas na 140 miles per hour o 224 k/h.