dzme1530.ph

DSWD, tiniyak na magiging mabusisi ang pagpili sa mga benepisyaryo ng Food Stamp Program

Tiniyak ng Dep’t of Social Welfare and Development na magiging mabusisi ang pagpili sa mga pamilyang Pilipinong magiging benepisyaryo ng ilulunsad na “Walang Gutom 2027” o Food Stamp Program.

Ayon kay DSWD sec. Rex Gatchalian, makikipagtulungan sila sa Philippine Statistics Authority sa pagtukoy sa pinaka-mahihirap na pamilya batay sa family income and expenditure survey.

Tutukuyin din ang mga pamilyang nasa pinaka-ilalim ng kanilang “Listahanan 3”, at ang kanilang family income ay hindi dapat lalagpas ng P8,000 kada buwan.

Sinabi pa ni Gatchalian na pagkalipas ng apat na taong pag-arangkada ng programa, isasagawa ang Proxy Means Test upang matukoy ang mga graduate na sa food stamp at makaa-alpas na sa food poor category.

Samantala, isinasagawa na rin ang masusing “designing stage” ng programa upang matiyak na hindi magagamit ang food stamps sa panloloko.

Sa pagpili naman ng mga lugar, uunahin ang conflict areas, geographically isolated provinces, urban poor settings, calamity-stricken areas, at rural poor areas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author