Tumindi sa 48°C ang naitalang heat index sa Casiguran, Aurora, na kilala bilang daanan ng bagyo, alas-2 ng hapon nitong Martes.
Batay sa ulat ng PAGASA, ito na ang ikatlong pinakamataas na naitalang heat index sa bansa.
Ayon pa sa PAGASA, ang naramdamang 48°C heat index sa Aurora, ay nasa “danger” category.
Sa ngayon, Casiguran, Aurora ang bagong nadagdag sa listahan ng mga lugar na nakaranas ng nakamamatay na init matapos maitala ang 50°C heat index sa Legazpi City; at 49°C sa Aparri, Cagayan; Butuan City, Agusan del Norte at Guiuan, Eastern Samar.
Ang heat index ay tumutukoy sa naramdamang init o discomfort ng isang tao bunsod ng naramdaman nitong temperatura.