dzme1530.ph

Global Credit Watcher, tumaas ang kumpiyansa sa Pilipinas

In-upgrade ng Global Credit Watcher na Fitch ratings ang credit outlook nito sa Pilipinas.

Sa kanilang rating action commentary, sinabi ng Fitch na ni-revise nila ang outlook sa long-term foreign-currency issuer default rating ng Pilipinas sa “Stable” mula sa “Negative.”

Ayon sa New York-Based Credit Watcher, ang revision ng kanilang outlook sa “stable” ay bunsod ng tumaas na kumpiyansa ng Fitch na bumabalik na ang Pilipinas sa strong medium-term growth matapos ang COVID-19 pandemic, upang masuportahan ang sustained reductions sa government debt na lumobo sa mga nakalipas na taon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author