dzme1530.ph

PNP, ibinida ang survey ng OCTA Research kung saan mataas ang trust rating ng mga pulis

Ipinagmalaki ng Philippine National Police ang survey ng OCTA Research na nagresulta sa 80% sa mga Filipino ay nagtitiwala sa  Pambansang Pulisya.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr., pagpapatunay ito na tagumpay ang gobyerno sa kampanya nito kontra sa iligal na droga, kasabay ng  maraming operasyon na nagresulta sa napakaraming accomplishment.

Sa katunayan, nasa 23,395 drug personalities na ang nadakip mula January 1 hanggang May 19, 2023 mula sa 17,668 ikinasang operasyon laban sa ipinagbabawal na gamot.

Nakasabat din aniya ng mga pulis ng P5.76-Billion halaga ng shabu sa mga nabanggit na operasyon.

Isinagawa ang survey March 24 hanggang March 28 2023  kung saan mainit pa ang isyu ng drug raid na nakarecover ng 990 kilo ng shabu nung isang taon. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author