Bigo ang Taiwan na makakuha ng imbitasyon sa Annual Assembly ng World Health Organization sa kabila ng pagsisikap nito na mapabilang sa pagtitipon.
Nagpasya ang Annual Assembly sa Geneva na huwag imbitahin ang Taiwan sa event na nagsimula noong May 21 at tatagal hanggang May 30.
Ito’y matapos harangin ng China at Pakistan ang partisipasyon ng Taiwan habang nagsalita pabor dito ang Eswatini at Marshall Islands.
Iginiit ng China ang soberanya sa Taiwan sa pagsasabing ang isla ay hindi hiwalay na bansa at bahagi ng “One China” na pinamamahalaan ng Beijing.