Ikinalulungkot ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining o National Commission on Culture and the Arts (NCCA) ang pagkasunog ng Manila Central Post Office Building.
Sa isang pahayag, sinabi ng NCCA na ang Manila Central Post Office, bilang isang natalagang malahagang yamang pangkalinangan (Important Cultural Property), ay masasabi isa sa mga pinakamagandang gusali sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa NCCA, ang Manila Central Post Office ay isang mahalagang bahagi ng pambansang pamana.
Handa ang NCCA sa abot ng kakayahan nito hindi lamang sa pag-ayos ng nasirang gusali, kundi maging sa pagbabalik ng normal na operasyon ng Philippine Postal Corporation (PHLPost).
Umaasa ang NCCA na ang pag-ayos ng mga nasira ay masimulan nang walang abala sa hanapbuhay at paglilingkod ng mga kawani ng PHLPost. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News