dzme1530.ph

Publiko, dapat umiwas sa “Sangla-ATM” schemes —BSP

Pinayuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang publiko na iwasan ang “Sangla-ATM” schemes dahil posibleng magdulot ito ng problema kinalaunan.

Sa Advisory, sinabi ng BSP na ang mga ATM holder ay hindi dapat ibinabahagi ang kanilang Personal Identification Number (PIN) bilang collateral sa loan.

Posibleng magdulot ito ng “financial troubles” dahil sa ilalim ng naturang scheme, mahihirapan ang cardholder na i-monitor ang withdrawal ng mga taong kanilang pinagsanlaan ng kanilang ATM Card at pinagbigyan ng kanilang PIN.

May posibilidad din, ayon sa BSP, na mas mataas kaysa sa inutang ng cardholder ang i-withdraw na halaga ng pinagsanlaan ng ATM Card.

Pinaalalahan din ng central bank ang mga mangungutang na intindihin ang terms and conditions ng loan agreement upang maprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa mga unreasonable demand. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author