Itinakda na ni Sen. Raffy Tulfo ang imbestigasyon sa mga umano’y kapabayaan at kapalpakan ng Davao Electric Cooperative (NORDECO).
Sinabi ni Tulfo, Chairperson ng Senate Committee on Energy, layun ng imbestigasyon na matukoy ang mga kakulangan na maaaring punan ng gobyerno para sa tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa Samal lsland.
Itinakda ni Tulfo ang hearing ng Senate Committee on Energy sa Miyerkules, May 24, 2023.
Sa inisyal na impormasyon ng senador, ang energy crisis sa Samal Island ay bunsod ng mga hindi pa napapalitang submarine cable ng NORDECO.
Dahil sa kakapusan ng suplay ng enerhiya, isinailalim sa State of Calamity ang Samal Island noong May 16, 2023.
Sa report, bawat araw umaabot ng pito hanggang walong oras ang kawalan ng suplay ng kuryente kapag peak load at dalawa hanggang tatlong oras naman kapag off peak. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News