dzme1530.ph

Bagyong Betty, posibleng tumama sa kalupaan ng bansa sa Biyernes o Sabado

Posibleng lumakas pa at maging Super Typhoon ang Tropical Storm na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), sa oras na makapasok ito sa bansa.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong 2,300 kilometro sa silangan ng Mindanao na may international name na Tropical Storm Mawar

Kumikilos ito pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometro malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 105 kilometro kada oras.

Posible aniyang makapasok ng bansa ang naturang Tropical Storm sa Biyernes o Sabado na papangalanang Bagyong Betty.

 

About The Author