Ang salabat o ginger tea sa ingles ay isang uri ng inumin na mula sa katas ng luya.
Taglay ng salabat ang mga bitamina at mineral gaya ng Vitamin B6, C, potassium, magnesium, at copper.
Ang pag-inom ng ginger tea ay mabisang pagpaganda ng daloy ng dugo upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso.
Mayroon ding gingerols at gingerdiol ang salabat na nakatutulong upang labanan ang mga virus at bacteria sa ating katawan.
Taglay din ng luya ang anti-inflammatory properties na mainam para mabawasan ang arthritis at pananakit sa ibang bahagi ng katawan.