Ang raisin ay itinuturing na healthy snack at panghalili sa mga sugar-rich product gaya ng candies.
Taglay ng raisin ang soluble fiber na nakapagbibigay ng laxative effect o panunaw sa ating mga kinain.
Mabisa rin ang pagkaing ito para sa mga nakararanas ng constipation o iyong hirap sa pagdumi.
Mainam din ang raisin upang maiwasan ang gastrointestinal problem dahil ito ay may taglay na anti-inflammatory properties.
Kaya naman payo ng mga eksperto, isama sa inyong diet ang raisin kasabay ng pagpapa-alala na maghinay lang din dahil sa mataas ang sugar content nito.