9 na Chinese vessels ang namataan sa layong 2 to 3 nautical miles mula sa baybayin ng Pag-asa Island nang bumisita sina Sen. Jinggoy Estrada at AFP Chief of Staff General Andres Centino kahapon.
Sinabi ni Lt. Erwen Ferbo, head ng Joint Task Unit Pag-asa, na na-obserbahan din sa hiwalay na mga pangyayari sa lugar ang presensya ng ibang Chinese at Vietnamese vessels.
Aniya, sa loob ng isang linggo ay mayroong lumapit na dalawang vietnamese ships habang tatlo hanggang apat na Chinese vessels.
Inihayag naman ni Commodore Allan Javier, Commanding General ng Naval Forces West na kapag niraradyuhan ang mga foreign vessels na nasa teritoryo ng bansa ay may mga pagkakataon na hindi sumasagot ang mga ito kaya nire-record nila para maisama sa report at maging basehan ng panibagong ihahain na diplomatic protest. —sa panulat ni Lea Soriano