Ang calcium ay isang mahalagang nutrisyon na kailangan ng ating katawan para mapatibay ang mga buto at kalamnan.
Ayon sa mga eksperto, ang taong may calcium deficiency o kulang sa calcium ay mas madalas na nakararanas ng muscle cramps o ang pananakit at pamamanhid ng kalamnan na kadalasang nangyayari tuwing natutulog.
Maaari ring magdulot ang calcium deficiency ng extreme fatigue o ang pagkakaroon ng mababang enerhiya, hirap na makapokus, pagiging makalilimutin, at pagkalito.
Ito rin ay may masamang epekto sa ating balat gaya ng pagkakaroon ng dry skin, psoriasis, at eczema.
Kaya naman payo ng mga eksperto, madalas na komunsumo ng pagkain mayaman sa calcium gaya ng almonds, soybeans, dairy products, isda, broccoli at sesame seeds.