Ang repolyo at iba pang cruciferous vegetables ay mayaman sa mga bitamina at mineral gaya ng Folate, Potassium, Vitamin C, Vitamin K, Manganese, Calcium, Carotenoids, at Flavonoids.
Kadalasan, mas masustansya ang hilaw o half-cooked na repolyo dahil nababawasan ang sustansya at water content na taglay ng mga gulay kapag matagal itong pinakuluan o niluto.
Ang iba pang halimbawa ng cruciferous vegetables ay broccoli, pechay o bok choi, at cauli flower. mas marami naman ang bitaminang taglay ng kulay violet na repolyo kumpara sa berde.
Isa pang benepisyo ng repolyo sa katawan ay ang taglay nitong fiber na mahalaga sa digestion at colon function upang mabawasan ang constipation.
Dahil sa mataas na fiber at water content, mabilis makabusog ang repolyo at nakokontrol nito ang gana sa pagkain. mababa rin ang calories ng repolyo kaya nakatutulong ito sa pagbabawas ng timbang. nakakapagpababa rin ito ng blood sugar at cholesterol. —sa panulat ni Lea Soriano