Binawi ng pamahalaan ang lisensya ng kumpanyang nagmamay-ari ng MT Princess Empress na nagdulot ng malawakang oil spill sa Oriental Mindoro at sa iba pang mga lugar.
Ayon sa Department of Transportation, binawi ng Maritime Industry Authority-National Capital Region ang Certificate of Public Convenience ng RDC Reield Marine Service, Inc. sa pamamagitan ng resolusyon na may petsang May 11.
Inihayag ng DOTr na pinag-aaralan din nila ang posibleng pananagutan ng personnel mula sa ibang maritime authorities kaugnay ng paglubog ng naturang motor tanker.
Binigyang-diin ng ahensya na sa kabila nang hindi otorisadong mag-operate, ay nakapaglayag pa rin ang barko ng hanggang 17 beses bago ito lumubog noong February 28.