dzme1530.ph

Australia, maglalaan ng mahigit P3-B halaga ng ODA sa Pilipinas

Maglalaan ang Australian Government ng P3.32-B na halaga ng Official Development Assistance (ODA) sa Pilipinas para sa taong 2023 at 2024, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Ginawa ang anunsyo sa sidelines ng bilateral meeting sa pagitan ng bumibisitang Australian Foreign Minister na si Penny Wong at DFA Sec. Enrique Manalo, sa Makati City.

Susuportahan ng ODA ang mga programa, lalo na ang mga may kinalaman sa inclusive economic growth, education, training and scholarships, disaster and climate resilience, at peace and stability sa Mindanao.

Sinabi ng DFA na karagdagan ito sa P405-M na ipinangako ng Canberra upang matulungan ang bansa sa pagtatatag ng bagong immunization information, at pagpapatibay ng laboratory network at surveillance system tuwing mayroong health emergencies, gaya ng COVID-19 pandemic. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author