dzme1530.ph

Sibuyas, nangunguna sa mga produktong madalas ipuslit sa bansa

Kabilang ang sibuyas sa madalas ipuslit sa bansa ayon sa Criminal Investigation & Detection Group.

Ito ang inihayag ni PNP-CIDG Dir. PBGEN. Romeo Caramat Jr. sa Global Anti-Illicit Trade Summit., kasunod nang nakaambang kakulangan ng suplay ng sibuyas at planong importasyon ng Dep’t of Agriculture ng 22,000 metriko toneladang pula at puting sibuyas.

Ani Caramat, nasa P137 Million na halaga ng smuggled o puslit na sibuyas ang nakapasok sa bansa simula 2019 hanggang sa kasalukuyan mula sa mahigit 1,000 operasyong ikinasa ng PNP, Bureau of Customs at D.A.

Bukod sa sibuyas, napabilang din ang damit, bags, vehicle parts at tobacco products sa pinakamalaking halaga ng mga naipuslit na items sa bansa.

About The Author