Naniniwala sina House Committee on Agriculture and Food Chairman Quezon Representative Mark Enverga at Committee Vice Chairperson Marikina Representative Stella Quimbo, na may kakayahan ang Pang. Ferdinand Marcos Jr., na pamunuan ang Department of Agriculture.
Ayon kay Enverga, dapat manatili ang Pangulo bilang kalihim ng ahensiya gayung malaking bagay na natutugunan ni Marcos ang kahinaan ng D.A.
Ayon naman kay Quimbo, dahil sa suporta ng Pangulo kung kaya’t naging matagumpay ang pagdinig ng kamara sa mga isyu kagaya ng hoarding at manipulasyon sa presyo ng sibuyas.
Ginawa nina Enverga at Quimbo ang pahayag matapos lumutang sa 9 na hearing ng Kamara na laganap ang cartel ng sibuyas sa Pilipinas.