Kinontra ni Sen. Risa Hontiveros ang plano ng Department of Health at PhilHealth na ilipat na ang administrative supervision ng National Health Insurance Program sa Office of the President.
Sinabi ni Hontiveros na hindi maaring abandonahin ng DOH-PhilHealth ang kanilang responsibilidad sa usapin ng National Health Insurance Program na susi sa matagumpay na implementasyon ng Universal Health Care.
Nagtataka ang senador sa biglaang interes ng Office of the President sa PhilHealth.
Alinsunod anya sa batas, ang PhilHealth ay dapat na manatiling attached agency sa DOH para sa policy coordination at guidance kaugnay sa Universal Healthcare.
Gaya anya ng sektor ng agrikultura, mahalaga ang papel na ginagampanan ng health sector sa pagbangon mula at paghahanda sa pandemya.
Sinabi pa ng mambabatas na masyado nang maraming tungkulin ang Office of the President kasabay ng panawagan na huwag isakripisyo ang kalusugan at libreng serbisyong medikal. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News