dzme1530.ph

Tabako, hiniling na isama sa saklaw ng Anti-Agri Smuggling Law

Hiniling ng tobacco products stakeholders na isama sa mga produktong saklaw ng Anti-Agricultural Smuggling Law ang tabako.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture kaugnay sa mga pag-amyenda sa batas, iginiit ng mga tobacco products stakeholders na taun-taon ay tumataas ang bilang ng mga smuggled na sigarilyo sa bansa.

Ayon kay Blake Clinton Dy, vice president at head ng Human Resources Associated Anglo-American Tobacco Corporation, bukod sa apektado ang kabuhayan ng tobacco farmers ay marami ring kabataan ang nabibigyan ng pagkakataong makabili ng mas murang sigarilyo.

Nangako naman si Sen. Cynthia Villar na tutugunan ang naturang hiling lalo pa’t suportado anya ito ng mga kongresista.

Samantala, inirekomenda rin sa pagdinig na isama na sa pag-amyenda sa batas ang probisyon na magiging standard na ang presyuhan ng bawat produkto upang maging madali ang pagtukoy kung kwalipikado sa agricultural smuggling at economic sabotage.

Sa hearing , muling kinuwestyon ng mga senador ang Bureau of Customs kung bakit 7 taon na ang nakalilipas simula nang isabatas ang Anti-Agricultural Smuggling Law ay wala pa ring napaparusahan kaugnay nito. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author