Binalaan ng Department of Justice si Con. Arnolfo Teves Jr., kaugnay sa patuloy na pananatili nito sa ibang bansa.
Sinabi ni Justice sec. Crispin Remulla na mas maigi kung umuwi na lang ang mambabatas at harapin ang mga reklamo at alegasyon laban sa kanya.
Sa ganito anyang paraan ay mas malayang makakadepensa si Teves para itanggi ang ibinibintang sa kanya na siya ang utak sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at kabilang na ang 10 sibilyan na nadamay.
Paalala pa ni Remulla na kung patuloy na magtatago si Teves at hindi haharapin ang mga alegasyon ay maraming mawawalang benepisyo sa kongresista tulad ng kanselasyon ng kanyang pasaporte, posibilidad na ma-expel o matanggal sa pwesto bilang kongresista at malilimitahan na rin ang kanyang paggalaw o mga aktibidad. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News