dzme1530.ph

Mga pasilidad ng new EDCA sites sa Palawan, ininspeksiyon

Nag-inspeksyon si AFP Chief of Staff General Andres Centino sa mga pasilidad ng bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site sa Balabac, Palawan.

Ang mga pasilidad, gaya ng runways, ay nasa loob ng 300 ektaryang Balabac Island Airbase, na maaring gamitin ng militar at mga sibilyan doon kabilang ang ilang storage o warehouse para sa humanitarian assistance, disaster response equipment, supplies, at barracks para sa mga sundalong Pilipino at Amerikano.

Ang Department of Public Works and Highways ang magpo-pondo sa konstruksyon ng airstrip, na bubuksan para sa commercial air traffic.

Pinasyalan din ni Centino ang iba pang EDCA projects sa loob ng Antonio Bautista Airbase, gaya ng ammunition at fuel storage projects na gagamitin para sa mga darating na joint military exercises.

Una dito ay ininspeksyon na ni Centino ang tatlong bagong EDCA sites sa Luzon; dalawa sa Cagayan, at isa sa Zambales.

About The Author