dzme1530.ph

Puno ng balete natumba sa mga bahay sa gilid ng Estero de Magdalena; 4 na biktima, naipit

Bumagsak ang puno ng balete sa likurang bakod na pader ng mga bahay sa Estero de Magdalena matapos itong matumba.

Nangyari ang pagbagsak ng nasabing puno sa mga kabahayan sa gilid ng Estero o ilog  dakong alas 12:30 ng madaling araw sakop ito ng barangay 294  Zone 28 CM Recto Binondo, Manila.

Agad nakatawag ng saklolo ang mga residente sa barangay at agad ring tumugon  ang MPD Station 11, ilang minuto ang nakalipas sumunod namang na dumating ang mga tauhan ng MDRRMO sa pamumuno ni Director Arnel Angeles, katuwang RAHA Volunteers, BFP,EMS, BFP SRU, at Manika MDRRMO MPD,  volunteers, 4 na katao ang napaulat na naipit sa mga gumuhong bahay, pasado ala-1 ng madaling araw ng unang nai-rescue ang babaeng edad  14-anyos na kaagad dinala sa pinakamalapit na ospital.

Habang ang 3 biktima ay naiwan sa loob ng nabagsakang bahay, naging pahirapan ang pagsagip sa 3 naipit na kalalakihan kasama ang 1 batang edad 2-taong gulang.

Kinilala ng mga otoridad ang mga  nabangit na biktimang sina Edsel Lansiola at mag amang si Jomar Portillo at kanyang 2 taong gulang na anak na si John Mark Portillo at ang unang na rescue na babae na si Kathleen Caparangan.

Umabot sa 7 oras ang naging pag-rescue sa mga naiwang biktima dahil sa may kabigatan at mano-manong pinutol ang mga sanga ng puno.

Mag alas-7 ng umaga ng matagumpay na na-irescue ng mga tauhan ng MDRRMO sa ilalim ng pamumuno ni Director Arnel Angeles, ang biktima pero sinawing palad ang batang lalaki at wala na itong buhay, habang ang ama at kapitbahay ay ligtas namang nakalabas at agad itinakbo sa ospital.

Sa paunang imbestigasyon, posibleng bumagsak ang puno dahil sa bigat nito at katandaan, sa ngayon,  hindi pa mabatid kung ilang bahay ang nadamay. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author